Sunday, August 14, 2005

musings and speculations

Miss ko na yung pag tambay ng mga L2 pag tapos ng shift. Mahirap na kasi hiwahiwalay na nga kami. Hindi na ako magtataka kung next week wala na kalahati sa amin, kung hindi sa pag resign, eh dahil sa isang katutak na absent. Hindi biro ang bawat lingo, minsan A-shift ka, minsan C-shift. Ewan ko ba sa kanila. Matapos nilang magpaalis at maglipat ng mga tao sa iba't ibang account, eto ngayon kandagarapa tayo paabutin ang ideal SL. Haaay. Maybe there are things that I don't understand about what could have caused this situation or why they're doing what they're doing, pero yun talaga ang nakikita ko. Mis-management. Sana lang pag me nagtanong ng matino, sagutin ng matino rin. Hayaan nyo na kung mali ang grammar or usage. Basta me sagot na matino. Hindi yung umiiwas. No offense.

Ano kaya ang balitang masasagap natin sa pagtapos ng August? Sana good news, pero sa nakikita ko ngayon, hindi rin namin ikasasaya ang sasabihin sa amin. Kung ano man iyun. Haaay.

Gutom na ako.

1 comment:

Anonymous said...

im missing you a great deal kat...
ung pag tambay natin after a shift
pag nood ng sine
pag malling