Tuesday, August 02, 2005

wala lang

madilim... nakaupo sa isang sulok, nalulumihanan, di malaman kung ano gagawin. di alam kung saan patutungo. di rin alam kung ano ang sasabihin.
saan tayo pupunta? ano na ang mangyayari? takip-silim tayo sa dilim.
nakaka-baliw, d ba?

nagsimula tayong may mga ngiti sa mukha... masaya, sama-sama, magulo, halakhak dito, halakhak doon, walang problema, nagtutulungan sa hirap at kalokohan. kapatid, kaibigan, iisang pamilya.. ganon ang turing sa isa't isa.

unti-unti, may nawawala, may lumalaho, may umaalis... masaya pero nakakalungkot. ganon talaga ang life. ngayon, ang mga naiwan, nangangapa. mali ang pag-aakala na may kinabukasan pa sa pinananatilihan.

sino sa tingin mo ang may sala? nagsimula lang sa isang tao na may pananampalataya ang pangalan.


sige na, gutom at pagod lang ito.

4 comments:

Anonymous said...

haaayyyy

day said...

pananampalataya? hmmmm....

Kat said...

lalim ^_^

Anonymous said...

parang kilala ko na ang may sala...